-- ADVERTISEMENT --

Sasailalim sa pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong Facebook accounts na iniendorso ng Presidential Communications Office para sa posibleng kaso kaugnay ng pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, inaasahang matatapos ang evaluation sa loob ng 10 araw bago magpasya kung magsasampa ng kaso.

Kabilang sa mga sinusuri ang mga account na umano’y nagpakalat ng pekeng medical documents, manipulated images, at maling ulat hinggil sa kalagayan ng pangulo.

Itinuturing na paglabag sa batas ang ganitong gawain, lalo na sa gitna ng umiiral na state of national energy emergency, habang patuloy ang hakbang ng pamahalaan laban sa fake news.