-- ADVERTISEMENT --

Pansamantalang ihihinto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6 ang pag-iisyu ng Guarantee Letters (GLs) simula Nobyembre 30, 2026, upang unahin ang pagbabayad sa mga ospital, punerarya at iba pang accredited service providers na nagbigay na ng serbisyo sa mga benepisyaryo.

Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na magpapatuloy ang tulong para sa mga indibidwal at pamilyang may agarang pangangailangan o emergency.

Para sa mga aplikanteng maaapektuhan ng suspensyon, maaari pa ring iproseso ang kanilang kahilingan bilang cash assistance.

Maaari ring ipagpaliban ang pag-isyu ng Guarantee Letters hanggang sa unang araw ng trabaho sa 2027 o sa pag-apruba ng General Appropriations Act (GAA), basta kumpleto at balido ang mga dokumento.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo sa AICS Action Center sa ikalawang palapag ng GT Mall Molo sa Iloilo City o sa pinakamalapit na SWAD office sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras at Iloilo.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng DSWD-6 na mananatili itong handang tumulong, lalo na sa mga pamilyang nahaharap sa emergency at biglaang krisis.