-- ADVERTISEMENT --

Sinuspinde ni Public Works and  Highways  Sec. Vince Dizon ang pagsusuot ng uniporme ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y iregular na mga proyekto para sa flood control.

Sa isang memorandum na may petsang Setyembre 9, inanunsyo ni Dizon na ang lahat ng opisyal at empleyado ng DPWH ay hindi muna obligado na magsuot ng itinalagang opisyal na uniporme hanggang sa bagong abiso.

Ayon kay Dizon, inilabas ang naturang memo kaugnay ng kasalukuyang mga pangyayari.

Dagdag pa rito, sa isang paabiso na ipinaskil sa media Viber group ng DPWH, sinabi ng ahensya na layon ng direktiba na protektahan ang kanilang mga empleyado laban sa bullying at harassment na may kaugnayan sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.

-- ADVERTISEMENT --

“All officials and employees of the DPWH are nevertheless expected to report for duty in appropriate and presentable attire at all times, in accordance with Civil Service Commission Circular No. 16, s. 2024 (Revised Dress Code for Government Officials and Employees), and in keeping with the standards of professionalism in public service,” pahayag ni Dizon sa kanyang memo.