-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patuloy na pagbibigay ng tulong sa mahigit 490,000 pamilyang naapektuhan ng Bagyong Crising at habagat. Ayon sa ahensya, nasa 14,191 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 500 evacuation centers.

Nakapamahagi na ang DSWD ng 92,590 food packs sa mga lokal na pamahalaan at maglalabas pa ng 40,000 karagdagang food packs. Mayroon ding mahigit 3 milyong nakaimbak na food packs at 337,494 non-food items sa 935 warehouses sa buong bansa.

Kasama sa mga bagong hakbang ng ahensya ang pamimigay ng ready-to-eat meals at water filtration kits, lalo na sa mga lugar na kulang sa pagkain at malinis na tubig.

Katuwang ang mga LGU, patuloy ang koordinasyon ng DSWD para mapabilis ang distribusyon ng ayuda. Panawagan din ng ahensya sa publiko ang pagiging alerto at pagsunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.

Tiwala ang DSWD na walang pamilyang magugutom sa kabila ng nararanasang kalamidad.

-- ADVERTISEMENT --