-- ADVERTISEMENT --

Itinalaga si dating PNP chief Benjamin Acorda Jr. bilang bagong chairperson ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), kapalit ni Gilbert Cruz. Nanumpa siya sa tungkulin noong Oktubre 16, ayon sa Presidential Communications Office.

Sa ilalim ni Cruz, naging aktibo ang PAOCC sa mga operasyon kontra ilegal na POGO, online lending apps, at sa pagkakaaresto kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ang mga aksyong ito ay bahagi ng mandato ng PAOCC na labanan ang mga sindikato at katiwalian sa gobyerno.

Si Acorda ay dating PNP chief mula Abril 2023 hanggang Abril 2024, at isa sa mga tagapagtatag ng PNP Anti-Cybercrime Group.