Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang flood control project sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Kalibo Sangguniang Bayan member Ronald Marte, ang proyekto ay naisagawa sa pamamagitan ng pagsisikap ni mayor Juris Sucro na nailakip sa pondo ng DPWH Aklan.
Ito ay nagkakahalaga ng higit sa P100 milyon pesos na ang ground breaking ceremony ay isinagawa noong pang nakaraang taong 2024.
Ang nagpapatuloy na concreting of drainage ay dederetso sa Purok 2 C. Laserna St. hanggang sa may revetment wall kung saan doon lalabas ang tubig na sisipsipin magmula sa mga mababang lugar sa Poblacion partikular ang mga palaging binabaha na mga streets kung biglaan ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Inaasahang kung matapos ang proyekto ay malaki ang maitutulong nito sa bayan lalo na’t ang Kalibo ay sentro ng komersyo.