-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang hamon nga depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa hurisdiksyon ng korte kaugnay ng mga kasong krimen laban sa sangkatauhan na may kinalaman sa kamyamg kampanyang gyera kontra droga sa Pilipinas.

Sa isang 32-pahinang desisyon, nilinaw ng ICC na nananatili ang kanilang hurisdiksyon dahil nag-umpisa ang preliminary examination bago pa opisyal na nag-withdraw ang Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 17, 2019.

Ayon sa korte, hindi naaapektuhan ng pag-withdraw ang patuloy na imbestigasyon at mga kasong isinampa habang kasapi pa ang bansa sa tratado.

Iginiit din ng abogado ni Duterte na hindi natugunan ang mga kinakailangang kondisyon para sa hurisdiksyon nang payagan ang pag-umpisa ng imbestigasyon noong Setyembre 2021.

Kasalukuyang nakakulong si Duterte sa Hague Penitentiary Institution matapos ang kanyang pagka-aresto noong Marso 11.

-- ADVERTISEMENT --