-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay malapit nang mabuwag at ang pag-appoint ng mga bagong commissioner ay nakadepende na lang sa dami ng trabahong natitira para sa naturang superbody.

Sa isang chance interview sa Mandaluyong City, tinanong si Marcos tungkol sa mga susunod na hakbang para sa ICI, na sa kasalukuyan ay mayroon na lamang isang commssioner.

“It depends on how much work they still have left. If their work is finished, we will see what they can do next,” aniya.

“But they really are coming toward the end. Everything that needed to be investigated has already been investigated—maybe there are one or two loose ends they still need to clean up,” dagdag pa niya.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Marcos na wala pang desisyon kung magtatalaga ng mga bagong commissioner.

“Kung kakailanganin, saka namin gagawin iyon, ngunit kung tapos na ang trabaho at naisumite na ang lahat ng impormasyon sa DOJ at sa Ombudsman, ang pokus ng imbestigasyon ay lilipat na sa DOJ at Ombudsman,” ayon kay President Marcos.