-- ADVERTISEMENT --

Bumalik nga ang in-person classes sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong Western Visayas, araw ng Lunes, Enero 5, 2026.

Ito ay matapos ang halos dalawang linggong holiday break na nagbigay ng pagkakataon sa mga learners at manunuro na makapagpahinga mula sa ilang buwang pagpapabalik-balik sa paaralan.

Ayon kay Department of Education o DepEd region VI spokesperson Hernani Escullar Jr, halos lahat nang schools districts sa rehiyon ay kumpleto ang mga learners maliban nalang sa dalawang school districts sa probinsya ng Capiz na ipinagpaliban ang in-person classes sa unang araw sa pagbalik-eskwela para sa taong 2026.

Kaugnay nito, magpapatuloy ang mga leksyon na hindi natapos noong nakaraang taon at maging ang mga aktibidad sa eskwelahan hanggang sa end of school year na posibleng sa katapusan ng buwan ng Marso hanggang sa unang linggo ng buwan ng Abril 2026.