-- ADVERTISEMENT --

Target ni incoming Ombudsman Jesus Crispin Remulla na gawing mas bukas at transparent ang Office of the Ombudsman upang mapalakas ang tiwala ng publiko. Kabilang sa mga repormang ilulunsad ang pagtatatag ng media office para sa regular na pagbabahagi ng impormasyon hinggil sa mga gawain at imbestigasyon ng ahensya.

Binigyang-diin ni Remulla ang mas malawak na papel ng Ombudsman bilang tagapagbantay ng pamahalaan, hindi lamang sa aspeto ng pagsasampa ng kaso kundi pati sa pagtutok sa tamang pamamahala. Ipagpapatuloy din ang pakikipag-ugnayan sa Department of Justice para sa mga kasong may kinalaman sa mga opisyal na may Salary Grade 27 pababa.

Layunin din ng bagong Ombudsman na itaas ang pamantayan sa pagsasampa ng kaso upang maiwasan ang pang-aabuso, at isusulong ang continuous trial upang mapabilis ang proseso at mabawasan ang mga taktika ng pagkaantala sa korte.