Nagsagawa ng inspeksyon ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa mga flood control projects sa Cebu kasunod ng matinding pagbaha dulot ng Bagyong Tino.
Pinangunahan ni ICI Special Adviser Rodolfo Azurin Jr. ang pagbisita sa Mandaue City, partikular sa mga barangay Tabok at Alang-Alang, kung saan nagdulot ng pag-apaw ng Butuanon River ang malaking pinsala.
Kasama rin sa inspeksyon ang mga proyekto sa Talisay, Cebu City, at Compostela, at dumalo sina Undersecretary Arthur Bisnar, AFP General Ariel Caculitan, at Mayor Benjamin Magalong.
Ayon kay Azurin, magpapatuloy ang pambansang pagsusuri ng ICI upang tiyakin ang transparency at panagutin ang mga sangkot sa iregularidad. Nakikipagkoordina rin ang komisyon sa DPWH Region 7 at DPWH Cebu.
Iniulat ng OCD ang 232 nasawi sa buong bansa, kung saan 150 ay mula sa Cebu.













