Reformist Masoud Pezeshkian, bag-ong presidente it Iran
-- ADVERTISEMENT --

Tehran, Iran — Sugatan si Iranian President Masoud Pezeshkian sa isa sa mga airstrike ng Israel laban sa Iran noong nakaraang buwan kung saan, ang insidente ay malapit lamang sa Iranian Revolutionary Guard.

Inihayag na anim na bomba ang tumama sa lihim na pasilidad sa ilalim ng lupa sa Tehran kung saan naroon si Pezeshkian para dumalo sa isang pagpupulong sa Supreme National Security Council.

Dagdag pa nito na nagkasugat siya sa binti habang sinisikap na makalabas gamit ang isang emergency shaft kasama ang iba pang opisyal.

Kasalukuyan na umanong iniimbistigahan ng Iran ang posibleng pagpasok ng mga agent ng Israel sa bansa.

Ngunit, wala pang napatunayan at wala pang opisyal na pahayag mula sa Israel.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na ang mga unang strike ng Israel ay nag-target sa pasilidad kung saan naroroon ang mga lider ng Iran na lihim na nagtatago.