-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Magbibigay ng bahay si Kalibo Mayor Juris Sucro sa ilalim ng Pabahay ni Yorme program na target na simulan ngayong 2025.

Ayon kay Jay-ar Arante, head ng media team ng LGU-Kalibo na ito ay posibleng isasagawa sa Disyembre kasabay ng holiday season.

Ngunit, tumanggi muna ito na i-detalye ang mechanics  dahil sa may mga bagay pang kailangan na tapusin.

Nais aniya ni Mayor Sucro na deserving o lubos na nangangailangan ng matutuluyan ang mabibigyan ng bahay dahilan na mabusisi ang kanilang gagawing screening process.

Maalalang nauna ng nakapagbigay ng kotse, motorsiklo at iba pang regalo ang alkalde na nagbigay saya, pag-asa at inspirasyon sa mga kalibonhon.

-- ADVERTISEMENT --