-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang pagdami ng kaso ng trangkaso sa Estados Unidos, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na may tinatayang 15 milyong nagkasakit, 180,000 naospital, at 7,400 nasawi ngayong flu season.

Nasa pinakamataas sa loob ng isang dekada ang bilang ng maliliit na batang nagpapatingin sa doktor dahil sa flu, kung saan mahigit 18 porsiyento ng mga batang wala pang apat na taong gulang ang apektado. Umabot din sa 7.2 porsiyento ng lahat ng konsultasyong medikal ang may flu-like symptoms—pinakamataas para sa panahong ito ng taon.

Naiulat din ang walong karagdagang pagkamatay ng mga bata, dahilan upang umabot sa 17 ang kabuuang pediatric flu deaths ngayong season. Karamihan sa mga kaso ay iniuugnay sa bagong H3N2 subvariant na subclade K.

Sa kabila ng patuloy na rekomendasyon sa pagbabakuna, wala pang kalahati ng populasyon ang nabakunahan laban sa trangkaso. Nanatiling mataas ang antas ng pagkalat ng sakit sa buong bansa kahit may bahagyang pagbagal sa ilang lugar.