-- ADVERTISEMENT --

Abala na ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa paghahanda para sa Opening of Lights sa darating na Disyembre 14, araw ng Linggo sa Kalibo Pastrana Park.

Ayon kay Jay-ar Arante, head ng media team ng nasabing tanggapan, nasa 90% na ang kanilang nagawang paghahanda sa nasabing malaking kaganapan.

Maliban sa mismong araw ng kaganapan, may inihanda rin silang aktibidad sa Disyembre 13, araw ng Sabado kung saan mayroong gaganaping talent night at presentation night ng Ms. Gay Kalibo na bahagi ng selebrasyon ng Ati-atihan festival.

Dagdag pa nito, may mga local bands na magtatanghal at hindi rin umano mawawala ang national performer na kanilang inimbita sa mismong araw ng event.

Isa rin sa mga dapat abangan ng mga bibisita ay ang pyromusical display nga gaganapin ng ilang minuto.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan din umano nila na libu-libo ang mga pupunta hindi lamang mga Kalibunhon kundi mayroon ring galing sa iba’t ibang bayan na gusto ring masaksihan ang kapana-panabik na kaganapan.