-- ADVERTISEMENT --

Bangkok, Thailand — Libu-libong tao ang nagtipon sa Bangkok upang ipanawagan ang pagbitiw ni Prime Minister Paetongtarn Shinawatra sa gitna ng kontrobersiya ukol sa alitan sa border ng Thailand at Cambodia.

Ang protesta ay itinuturing na pinakamalaki mula nang maluklok ang Pheu Thai party noong 2023.

Pinangunahan ng grupong United Force of the Land ang demonstrasyon sa Victory Monument.

Nagsimula ang tensyon matapos ang pagkalat ng isang leaked phone call ni Paetongtarn kay dating Cambodian Prime Minister Hun Sen na ikinadismaya ng mga makabayang grupo.

Maliban sa isyu sa border, binatikos rin ang punong ministro dahil sa umano’y pagpakita ng kahinaan laban sa Cambodia at pagkomento sa isang Thai army commander, isang sensitibong isyu sa Thailand kung saan, malakas ang impluwensya ng militar.

-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat ng mga raliyista ang mga kaalyado ng pamahalaan na talikuran ang administrasyon bago ang posibleng no-confidence vote sa susunod na buwan.

Sa kabila ng mga protesta, nananatiling takot ang ilan na magdulot ng panibagong kudeta gaya ng mga nangyari noong 2006 at 2014.