Pay-out it ayuda para sa mga benepisyaryo, ginpaiway anay it natungdan nga ahensya it gobyerno sa pilang ka barangay sa banwa it Makato
-- ADVERTISEMENT --

Magbibigay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng tig-P3,000 fuel subsidy sa mahigit 15,600 maliliit na mangingisda mula sa P50 milyong pondo na nakadeposito sa Development Bank of the Philippines.

Prayoridad sa programa ang mga may motorized banca, partikular ang mula sa mga fifth class municipality, at hindi saklaw ang lahat ng 2.7 milyong rehistradong fisherfolk sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform na pinamumunuan ni Francis “Kiko” Pangilinan, hiniling na mapabilis ang pamamahagi ng ayuda at posibleng madagdagan ang halaga kung lalaki ang pondo. Nagbabala naman ang Samahan ng Industriya ng Agrikultura na patuloy na nalulugi ang ilang mangingisda dahil sa mataas na presyo ng krudo.