-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang darating sa Pilipinas ngayong weekend ang mahigit 300 overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng tensyon sa Gitnang Silangan sa pamamagitan ng mga chartered flight ng pamahalaan.

Pinangungunahan ng Department of Migrant Workers ang repatriation kasama ang Overseas Workers Welfare Administration, alinsunod sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr.. Dalawang flight ang manggagaling sa United Arab Emirates at Saudi Arabia, habang ang ilang OFW ay dadaan sa land travel mula Kuwait dahil sa mga paghihigpit sa airspace sa ilang bansa sa rehiyon, kabilang ang Qatar.

Mahigit 400 Pilipino na ang nakauwi mula nang lumala ang tensyon noong Pebrero 28, habang nakahanda ang pamahalaan na magbigay ng psychosocial support, skills training at tulong pangkabuhayan sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority at Department of Trade and Industry.