
Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ng dating Negros Oriental congressman na si Arnie Teves Jr. laban sa bisa ng search warrant na isinilbi sa kanyang bahay noong Marso 10, 2023.
Sa desisyong inilabas noong Abril 8, kinatigan ng hukuman ang aksyon ng Manila RTC, na nagsabing walang naganap na grave abuse of discretion. Kaugnay ito sa pagkakasamsam ng mga hindi lisensyadong baril, bala, at pampasabog sa kanilang tahanan sa Bayawan City, na nagbunsod ng mga kasong paglabag sa mga batas sa firearms at explosives.
Iginiit din ng korte na saklaw ng search warrant ang buong bahay, kaya’t hindi maituturing na iligal ang pagkakadiskubre ng iba pang armas. Lumabas din sa rekord na dati nang may lisensya si Teves at ang kanyang anak na si Kurt Matthew sa ilang baril, habang walang lisensya ang isa pa niyang anak na si Axl.












