-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa 4.49 milyong metriko tonelada (MT) ang inangkat na bigas ng Pilipinas mula Enero hanggang Oktubre 2026, na halos katumbas ng rekord na 4.48 milyong MT noong 2024.

Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), mas mataas na ito kumpara sa 3.39 milyong MT na kabuuang importasyon noong nakaraang taon.

Pinakamalaking pinagkukunan ng bigas ang Vietnam na nagbigay ng 2.79 milyong MT, sinundan ng Thailand na may 666,201 MT at Myanmar na may 505,740 MT.

Inaasahang aabot sa limang milyong MT ang kabuuang inaangkat na bigas ngayong taon dahil sa epekto ng El Niño, partikular ang matinding init at kakulangan ng ulan na nakaaapekto sa lokal na produksyon ng palay.

Tinatayang bababa ng hindi bababa sa isang milyong MT ang produksyon ng palay sa bansa dahil sa naturang kondisyon ng panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa ulat, umabot na sa ₱9.99 bilyon ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura hanggang Nobyembre 11. Kabilang sa pinakanaapektuhan ang mais na may 56.4 porsiyento ng pinsala at palay na may 36.54 porsiyento.

Tinatayang 288,424 MT naman ang kabuuang nawalang produksyon sa agrikultura.