-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Magsisimula na ngayong linggo ang mga major events para sa selebrasyon ng kapistahan ni Sr. Sto. Niño de Kalibo.

Sa bahagi ng simbahang katolika, sisimulan ito sa pagbaba kay Niño Hesus at susundan ng street dancing o “sadsad panaad”.

Habang sa bahagi naman ng lokal na pamahalaan ng Kalibo, inihayag ni Carla Doromal, executive secretary to the office of the mayor, sisimulan ang aktibidad sa Ati-Atihan fashion festival na isasagawa sa bagong Kalibo overpass, araw ng Miyerkules, Enero 7, 2026.

Susundan ito ng iba’t ibang aktibidad gaya ng Binibining Kalibo Ati-Atihan 2026 coronation night at maraming iba pa.

Ang weeklong celebration na itinuturing din na Mother of All Philippine Festival ay dinadayo ng libo-libong deboto, turista at mga balikbayan upang makisaya sa natatanging okasyon na kaliwa’t kanan ang street dancing.

-- ADVERTISEMENT --