Stranded workers wait for shuttle services following the suspension of mass transportation on the first day of the government's reimplementation of a stricter lockdown to curb coronavirus disease (COVID-19) infections, in Quezon City, Metro Manila, Philippines, August 4, 2020. REUTERS/Eloisa Lopez
-- ADVERTISEMENT --

Naglunsad ng dalawang araw na nationwide transport strike ang koalisyon ng mga transport group, urban poor, at progresibong organisasyon upang tutulan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at kakulangan umano ng tugon ng pamahalaan.

Kabilang sa mga grupong lumahok ang SANLAKAS, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, at Partido Lakas ng Masa, na nagsagawa ng sabayang kilos-protesta sa Metro Manila at iba’t ibang lalawigan.

Tinatayang aabot sa 70 porsiyento ng pampublikong transportasyon ang maaapektuhan, kabilang ang jeepney, UV Express, ride-hailing services, motorcycle taxis, at trucking sector.

Iginiit ng mga grupo ang agarang suspensyon ng excise tax sa langis at mas madaling sistema ng subsidiya para sa mga tsuper, kasabay ng panawagan para sa pangmatagalang solusyon tulad ng pagbabasura ng Oil Deregulation Law at pagbuhay muli ng oil price stabilization fund.

Nagpatupad naman ng contingency measures ang Metropolitan Manila Development Authority upang matulungan ang mga maaapektuhang commuter sa gitna ng inaasahang abala sa transportasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --