-- ADVERTISEMENT --
Walang nasaktang Pilipino sa malakas na lindol na tumama sa Kamchatka Peninsula sa Russia nitong Miyerkules, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay DFA Assistant Secretary Robert Ferrer, nagtaas ng tsunami alert sa ilang lugar gaya ng silangang baybayin ng Russia, Hawaii, New Zealand, at kanlurang bahagi ng Estados Unidos.
Sa ngayon umano, bumaba na ang mga tsunami alert levels dahilan na hindi na masyadong maka-alarma.
Pinakamalakas ang tama sa silangang baybayin ng Kamchatka kung saan may pitong Pilipino.
-- ADVERTISEMENT --
Samantala, pansamantalang nagtaas ng tsunami alert ang PHIVOLCS sa mahigit 20 lalawigan sa silangang bahagi ng Pilipinas, ngunit agad din itong binawi matapos walang makitang pagtaas ng lebel ng tubig-dagat.