-- ADVERTISEMENT --
KALIBO, Aklan — Arestado ang isang 28-anyos na lalaki na most wanted person sa kasong rape sa isinagawang warrant operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. New Buswang, Kalibo, Aklan.
Kinilala ang akusado na si alyas “Zy”, may asawa at residente ng bayan ng Ibajay.
-- ADVERTISEMENT --
Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Aklan Tracker’s Team at Kalibo Municipal Police Station laban sa akusado na nahaharap sa dalawang kaso ng Rape.
Bitbit ng grupo ang warrant of arrest na inisyu ng presiding judge ng Aklan Regional Trial Court ng Kalibo at walang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pagkatapos ang isinagawang booking at procedures sa Aklan Police Provincial Office, iniharap ang akusado sa kaukulang korte.