-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Hindi nakaapekto sa tourist arrival sa isla ng Boracay ang nalambat na buwaya sa baybayin na itinuring na rare occurrence  dahil sa kauna-unahan itong nangyari sa kasaysayan ng isla.

Sa katunayan aniya ni Katherine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office na nakatala ng kabuuang 183,755 tourists arrivals nitong nakaraang buwan ng Hulyo.

Sa nasabing bilang, 149,304 ang domestic tourists; 2,492 ang overseas Filipinos at 31,959 ang mga foreign tourists.

Dagdag pa ni Licerio na hindi bumaba sa 5,000 ang naitatalang bakasyunista bawat araw mula nang may nalambat na buwaya sa baybayin.

Nangunguna pa rin sa tourist arrival ang mga dayuhang turista mula sa bansang Korea, China, United States of America, Taiwan, Australia, Japan, United Kingdom, Russia, India at Canada.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan aniya ay naghahanda ang Malay Tourism Office sa lalahukan na travel expo sa buwan ng Setyembre para mas lalo pang maipromote ang tanyag na isla ng Boracay.