Nabigo ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng fact-finding investigation matapos tumangging magsalita ang 16 sa 18 diumano’y dating Marines na nag-akusa ng pamimigay ng suhol sa ilang opisyal ng pamahalaan.
Dumalo sa pagpapatawag ng ahensya ang mga indibidwal ngunit hindi nagbigay ng pahayag, kaya nahirapan ang NBI na beripikahin ang mga alegasyon at mga larawang lumabas sa social media. Nakiisa rin sa pagdinig sina dating kongresista Mike Defensor at mga abogadong sina Ferdinand Topacio at Levi Baligod.
Samantala, nanindigan ang kampo ng mga nagreklamo na may batayan ang kanilang joint affidavit na isinumite sa Office of the Ombudsman, kaugnay ng umano’y kickback sa mga flood control project na iniuugnay kay dating Zaldy Co ng Ako Bicol Party-list.













