-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Hindi matitiyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang magaganap na mga power outage ngayong tag-init sa buong bansa.

Ipinaliwanag ni Atty. Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng NGCP na nagkakaroon ng hindi inaasahang shutdown ang ilang planta dahil sa pagkakaroon ng yellow o red alert sa grid.

Ang yellow alert ay nangangahulugan ng kakulangan sa reserbang kuryente na higit sa 600 megawatts.

Habang ang red alert ay nangangahulugan na mas kaunti nalang lang ang natitirang reserba kaya hindi maiiwasan ang manual load dropping o pagkawala ng kuryente.

Aniya, tuwing summer ay tumataas ang demand dahilan na may pagnipis ng supply.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang daku, sinabi pa ni Atty. Alabanza, hindi direktang naaapektuhan ang mismong operasyon ng NGCP sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunga ng krisis sa Middle East.

Subalit, dahil naaapektuhan ang buong power system, kaya may indirect effects sa kanila.

Ang NGCP umano ay transmission operator na nangangahulugan na hindi sila ang gumagawa ng kuryente at hindi rin sila bumibili ng langis o fuel.

Ang trabaho umano nila ay maghatid ng kuryente mula sa planta papunta sa distribution utilities.