-- ADVERTISEMENT --
Iniulat ng Philippine Air Force na ipinakita ng 960th Air and Missile Defense Wing ang kakayahan nitong palakasin ang depensang missile ng mga kaalyadong pwersa sa Balikatan IAMD drills noong Abril 26 hanggang 29. Katuwang ang puwersa ng Estados Unidos, nagsagawa sila ng pagtukoy, pagsubaybay, at pagharang sa simulated targets gamit ang radar systems at SPYDER Air and Missile Defense System.
Ayon sa PAF, nakatulong din ang paggamit ng counter-unmanned aerial systems upang mapalakas ang depensa laban sa mga bagong banta sa himpapawid.
Dagdag pa nito, pinagtibay ng pagsasanay ang interoperability, kahandaan, at kooperasyon ng mga kalahok para sa kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific Region.












