-- ADVERTISEMENT --
Nagdulot ng pangamba ang pagkamatay ng isang 11-anyos na bata sa Tehran matapos masawi sa air strike habang nasa checkpoint, kasabay ng ulat ng pagre-recruit ng kabataan sa mga tungkuling pangseguridad sa Iran.
Plano ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) na tumanggap ng mga boluntaryong edad 12 pataas para sa pagbabantay at pagpapatrolya, habang may mga ulat na may mga menor de edad, kabilang ang armado, na naka-duty sa iba’t ibang lungsod.
Binigyang-diin ng mga human rights group at eksperto na ang paggamit ng mga bata sa ganitong gawain ay posibleng paglabag sa internasyonal na batas at naglalagay sa kanila at sa publiko sa panganib.











