-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Umapela ng tulong ang pamilya Tudo ng Sitio Ilaya, Brgy. Pudiot, Tangala para sa muling pagbangon matapos na masunugan, pasado ala-1:00 hapon ng Lunes, Hulyo 28.

Ayon kay Poliano Tudo,  wala silang anumang gamit na nailigtas dahil masyadong mabilis ang pagkalat ng apoy dulot ng malakas na hangin.

-- ADVERTISEMENT --

Pansamantala umano silang nanunuluyan sa bahay ng kanyang kapatid sa naturang lugar.

Dagdag pa na sa ngayon ay mas kailangan nila ang pangmatagalang tulong kagaya ng pagpagawa ng kanilang bahay.

Malaki ang paniniwala ni Poliano na ang apoy ay nagmula sa kanilang kusina matapos na magsaing ang kanyang 92-anyos na ina.

Wala umanong tao sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Sa kabilang daku,  patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Tangalan ang naging sanhi ng sunog.

Ayon kay FO1 Johndel Irapta, arson investigator ng BFP-Tangalan na nasa P22,000 ang pinsala sa nangyaring sunog.

Maliban umano sa bahay ng 92 anyos na si lola Monsita Tudo, nadamay rin ang katabing bahay ng kanyang apo na si John Rey Tudo.

Masyado umanong malayo ang bahay sa kalsada dahilan na nagtulungan ang mga residente at nag-bucket brigade upang maapula ang apoy, ngunit huli na ang lahat, kung saan totally burned ang dalawang bahay na kapwa gawa sa light materials.