-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng migrasyon at proteksiyon sa mga migranteng manggagawa at seafarer sa isang pulong ng United Nations General Assembly sa punong tanggapan ng United Nations sa New York.

Ipinahayag ng Pangulo na malaki ang ambag ng mga migranteng manggagawa sa napapanatiling kaunlaran ng mga bansang pinagmulan, dinaanan at pinagtatrabahuhan, at nagsisilbi rin silang ugnayan ng iba’t ibang bansa.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng paggalang sa karapatan at dignidad ng mga migranteng manggagawa bilang prinsipyong dapat magbuklod sa mga bansa.

Ipinahayag din ng Pilipinas ang suporta nito sa Global Compact for Safe, Orderly and Regular Migration at hinikayat ang pandaigdigang komunidad na suportahan ang International Migration Review Forum na gaganapin sa Mayo 5 hanggang 8 sa punong tanggapan ng UN.