-- ADVERTISEMENT --

Gumawa ng kasaysayan ang Philippine Men’s Football Team sa ika-33 Southeast Asian Games (SEA Games) matapos makapasok sa semi-finals round ng kompetisyon makaraan ang 34 taon na paghihintay.

Tinalo ng koponan ang defending champions na Indonesia sa score na 1-0 matapos sumipa ni Otu Banatao ng isang goal sa 45+1’ mark ng laro bago pa man mag-halftime.

Kasunod nito ay tuluyang ibinaon ng koponan ng Pilipinas ang Indonesia at hindi hinayaang makaisa kontra sa kanila dahilan para makamit nila ang kanilang ikalawang panalo sa group stage ng nasabing torneo.

Kasalukuyang nasa 2-0 na ang win-loss record ng koponan at pasok na sa semifinals.

-- ADVERTISEMENT --

Huling nakapasok ang bansa noong 1991 kung saan bigo itong makuha ang bronze medal laban sa Singapore sa score na 2-0.