-- ADVERTISEMENT --

Nagpaalala ang PhilHealth sa publiko na huwag magbahagi ng sensitibong personal na impormasyon sa social media, kasabay ng paggunita sa National Cybersecurity Awareness Month.

Nilinaw ng ahensya na ang kanilang opisyal na social media accounts ay ginagamit lamang para sa pagbibigay ng impormasyon at pagtugon sa pangkalahatang katanungan. Hindi umano ito ginagamit para sa pagproseso ng personal na datos.

Hinimok ang mga miyembro na gamitin lamang ang opisyal na hotline at email para sa mga usaping tulad ng claims, PIN validation, at kontribusyon.

Tiniyak ng PhilHealth na ang lahat ng personal na impormasyon ay pinoproseso alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.