-- ADVERTISEMENT --

Pinalakas ng PhilHealth ang financial assistance para sa mga napaagang sanggol sa ilalim ng Z Benefits package, kabilang ang hanggang ₱135,000 na tulong para sa mga ipinanganak sa 24 hanggang mas mababa sa 32 linggo. May nakalaan ding ₱24,000 hanggang ₱71,000 para sa mga premature baby na nasa 32 hanggang mas mababa sa 37 linggo, depende sa kondisyon.

Nagbibigay rin ang ahensya ng ₱600 hanggang ₱4,000 na suporta para sa mga buntis na nanganganib magkaroon ng preterm delivery. Saklaw din ng benepisyo ang mga sanggol na may congenital anomalies.

Layon ng mas pinalawak na package na mabawasan ang gastusin ng mga pamilya at mapabuti ang access sa agarang pangangalaga, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng prematurity sa buong mundo.