-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Mahigpit na ipinapatupad ng Police Regional Office 6 ang bago lamang inilunsad na “Pulisteniks,” isang programa upang magkaroon ng magandang physical condition ang mga pulis.

Ayon kay P/Lt Col Arnel Solis, tagapagsalita ng PRO-6 na pinupuri nila ang naturang direktiba ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III upang matutukan ang physical fitness ng pulis at epektibong magampanan ang kanilang trabaho.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin umano nito na maging healthy ang mga pulis upang maliban na maging mabilis ang pagkilos ay magkaroon rin ng malinaw na kaisipan at lakas ng loob.

Isinasagawa ang physical conditioning activities ng mga pulis tuwing alas-3:00 ng hapon ng Martes at Huwebes at ito ay libre.

Aniya, binibigyang halaga sa “Pulisteniks” program ang pisikal na kahandaan para sa operational excellence at responsableng pulis.