-- ADVERTISEMENT --

MALAY, Aklan — Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP-Malay) sa sunog na sumiklab sa Sitio Ambulong Brgy. Manocmanoc, Boracay, bandang alas-3:45, hapon ng Miyerkules, Hunyo 4, 2025.

Natupok ang dalawang palapag na bahay na gawa sa mixed materials, kung saan, kongkreto sa ibaba at light materials sa itaas.

Ang bahay ay pagmamay-ari ni Marvelou delos Santos, 38, na kasalukuyang tinitirhan ng apat na pamilya na kinabibilangan ng 16 na indibidwal.

-- ADVERTISEMENT --

Idineklang fire out ang sunog bandang alas-4:30 ng hapon.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero, hindi na ito kumalat sa iba pang kabahayan.

Pinapaniwalaang dahil sa loose connection ng isang wifi modem ang pinagmulan ng sunog kasunod ng pahayag ng isang bata na nakita niyang ito ay umaapoy mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Subalit, giit ng BFP na inaalam pa nila ang naging sanhi ng sunog.

Umabot sa halos P124,000 ang halaga ng nasirang ari-arian na tinupok ng apoy na umabot sa unang alarma.

Wala namang nasugatan sa insidente.