-- ADVERTISEMENT --

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na mahalaga ang sapat na pag-inom ng tubig sa gitna ng matinding init upang maiwasan ang dehydration at heat stroke.

Ayon sa DOH, kabilang sa mga palatandaan ng dehydration ang pagkahilo, pagkalito, antok, at posibleng pagkawala ng malay, na maaaring mauwi sa heat stroke kapag lumala.

Pinapayuhan din ang publiko na umiwas o limitahan ang matatamis at may caffeine na inumin dahil maaaring magdulot ang mga ito ng mas madalas na pag-ihi at mas mabilis na pagkawala ng tubig sa katawan. Mas mainam umanong uminom ng malinis na tubig upang mapanatili ang tamang hydration.

Binanggit din ang kahalagahan ng electrolytes na tumutulong sa pag-absorb ng tubig sa katawan, na makukuha sa mga inumin tulad ng buko juice. Para sa alternatibo, inirerekomenda ng Quezon City Health Department ang homemade electrolyte drink gamit ang isang litro ng tubig at kalahating kutsaritang asin.