-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang simulan ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa umanoโ€™y maanomalyang flood control projects sa Agosto 19, 2025.

Pinangungunahan ni Senador Rodante Marcoleta, ang imbestigasyon ay tututok sa umanoโ€™y korapsyon sa mga multi-bilyong pisong proyekto sa ilalim ng public works system.

Kasama sa mga iimbestigahan ang mga contractor at mga opisyal ng pamahalaan na umanoโ€™y nakinabang sa pondo ng mga proyekto.

Ugat ng imbestigasyon ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 20% ng P545 bilyong pondo para sa flood control ay napunta lamang sa 15 contractors.