Sinibak ni Pangulong Donald Trump si Erika McEntarfer, pinuno ng Bureau of Labor Statistics (BLS), ilang oras matapos maglabas ang mas mahina kaysa inaasahang datos ng trabaho na mas lalong nagpalakas sa kritisismo sa kaniyang mga patakaran sa taripa.
Inakusahan ni Trump si McEntarfer ng pagmanipula ng datos upang siraan siya at ang Republican Party kung saan, tinawag na ang mga datos bilang “rigged” at “phony.”
Ang nasabing hakbang ay inulan ng batikos kabilang na dito si Senate Majority Leader Chuck Schumer at maging ang mga ekonomista at dating opisyal ay nagbabala na ang hakbang na ito ay awtoritaryanismo.
Ang datos mula sa Bureau of Labor Statistics ay nagpakita ng 73,000 na bagong trabaho noong Hulyo, malayo sa inaasahan na 109,000.
Maliban pa dito, nagbawas rin ang trabaho noong Mayo at Hunyo ng 250,000, pinakamalaking pagbawas mula noong 1979.