-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Pangulong Donald Trump na nasaksihan niya nang live ang pagdakip ng militar ng Estados Unidos kay Pangulong Nicolás Maduro ng Venezuela, na inihalintulad niya sa panonood ng isang palabas sa telebisyon.

Ayon kay Trump, pinanood niya ang operasyon mula sa Mar-a-Lago kasama ang mga heneral ng militar ng US.

Dagdag pa ni Trump na wala umanong ibang bansa ang kayang magsagawa ng ganoon kakomplikadong maniobra.

Inilarawan niya ang operasyon bilang mabilis at marahas, kabilang ang pagbasag ng mga pintuang bakal, at sinabing natapos ang pagdakip sa loob lamang ng ilang segundo.

Dagdag pa ni Trump, gumamit ang US ng malaking bilang ng sasakyang panghimpapawid tulad ng mga helicopter at fighter jet sa operasyon, na aniya’y isa sa pinakaimpressive na aksyong militar na kanyang nakita.

-- ADVERTISEMENT --