-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Nakiisa si Vice President Sara Duterte sa naging kapyestahan ni Sr. Sto. de Kalibo, araw ng Linggo, Enero 18, 2026.

Nagpaabot ng kaniyang pagbati ang bise presidente kung saan binigyang diin nito ang totoong diwa ng selebrasyon at isa sa dahilan kung kaya’t may Kalibo Ati- Atihan Festival.

Aniya, ito ay isang matibay na selebrasyon ng pananampalataya, pagpapakita ng katatagan sa gitna ng mga hamon, at paalala ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.

Panawagan rin niya na baunin ang diwa ng okasyon na nagpapakita ng walang humpay na pasasalamat at pag-asa para sa masaganang bukas.

Una rito, hindi mahulugang karayom ang dumalo sa pilgrim mass na pinangunahan ni Most Rev. Victor Benedico, D.D., apostolic administrator ng Diocese of Kalibo kasama ang iba pang kaparian sa buong lalawigan ng Aklan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Festival ay taunang selebrasyon na dinarayo ng libo-libong mga deboto, bisita, turista at iba pa kung saan, itinuturing din itong Mother of All Philippine Festivals.