-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang World Health Organization sa lumalalang hamon sa mga programa ng bakuna dulot ng misinformation at kakulangan sa pondo, na nagreresulta sa pagbaba ng tiwala ng publiko.

Apektado rin ang immunization efforts ng mga digmaan, problemang pang-ekonomiya, at limitadong badyet sa kalusugan.

Iginiit ng WHO na ligtas ang bakuna at walang kaugnayan sa autism, habang patuloy itong mahalaga sa pag-iwas sa sakit.

Pinangangambahan din ang pagkalat ng polio sa Pakistan, Afghanistan, at Africa, na maaaring lumala dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Inirekomenda ang regular na COVID-19 vaccination para sa high-risk groups at mas malaking pamumuhunan sa mas epektibong bakuna.

-- ADVERTISEMENT --