-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News — Simula ngayong taon, ipatutupad ng pamahalaan ang “zero balance billing” sa lahat ng 87 ospital na pinamamahalaan ng Department of Health (DOH). Sakop ng programa ang mga pasyenteng naka-admit sa basic o ward accommodation, kung saan wala nang kailangang bayaran.

Ang gastusin ng mga pasyente ay sasagutin mula sa pondo ng PCSO, PAGCOR, at DOH Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP). May inilaan na ₱41.16 bilyon para sa MAIFIP sa ilalim ng 2025 national budget.

Kasama sa reporma ang integrasyon ng MAIFIP sa eGov app, na magpapabilis at magpapadali sa pagproseso ng tulong-medikal. Hindi na rin kakailanganin ang guarantee letter sa pag-avail ng nasabing benepisyo.

Patuloy ding ipinatutupad ang “no balance billing” ng PhilHealth para sa mga indigent, senior citizens, lifetime members, kasambahay, at sponsored members sa mga accredited na pampubliko at piling pribadong ospital.

Hindi kabilang sa libreng serbisyo ang mga pasyenteng pipili ng private room accommodation.

-- ADVERTISEMENT --