-- ADVERTISEMENT --
Bumagsak ang isang military plane ng Russia sa Crimea, na ikinasawi ng 29 katao na sakay nito.
Nawalan ng komunikasyon ang An-26 aircraft habang nasa routine flight bago matagpuan ang mga labi nito. Itinuturong sanhi ang technical failure matapos walang nakitang indikasyon ng external attack.
Sakay ng eroplano ang pitong crew at 23 pasahero nang mangyari ang insidente. Nagsimula na rin ang imbestigasyon kaugnay sa posibleng paglabag sa flight safety.
Ang An-26 ay isang lumang aircraft na karaniwang ginagamit sa military transport at ilang beses nang nasangkot sa mga nakamamatay na aksidente.
Naganap ang insidente sa gitna ng patuloy na tensyon at labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa rehiyon.
-- ADVERTISEMENT --













