-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang matinding bakbakan sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa katimugang Lebanon at hilagang Israel, kasabay ng paglala ng air strikes at rocket attacks sa kabila ng mga pagsisikap na maibsan ang tensyon.

Ayon sa ulat, umabot na sa mahigit 2,000 ang nasawi sa Lebanon mula nang muling sumiklab ang labanan noong Marso, habang may naitalang casualties din sa panig ng Israel. Kabilang sa mga biktima ang isang dalawang taong gulang na bata sa panibagong air strike sa southern Lebanon.

Sa kabila nito, nakatakdang pag-usapan ng Lebanon, Israel, at Estados Unidos sa Washington ang posibleng tigil-putukan at susunod na hakbang sa diplomatikong usapan, ngunit nananatiling hati ang paninindigan ng magkabilang panig hinggil sa kondisyon ng kapayapaan.