Nakunan ang beauty queen na si Diana Mackey sa first baby sana nila ng asawang basketball player na si Kiefer Ravena.
Ito ay ilang linggo matapos i-anunsiyo nina Diana at Kiefer sa social media na magiging mommy at daddy na sila.
Ayon kay Kiefer, sa kabila ng malungkot na pangyayari nananatili pa rin silang positibo ni Diana tungkol sa pagkakaroon ng baby, basta ang importante ay maayos ang kalusugan ng asawa.
“Seven or eight weeks but, you know, God’s plan, God’s timing. Best thing siguro that happened is now she’s healthy,” pahayag ng professional basketball player,
“Hopefully, with God’s grace, we could try again and see where it takes us. Sabi ko nga, life goes on,” dagdag pa nito.
Noong nagdaang March 2025 nang ibandera nina Diana at Kiefer na magiging parents na sila.
Ikinasal naman sila noong June 11.
Samantala, magpapakasal uli sina Kiefer at Diana sa pamamagitan ng beach wedding sa El Nido, Palawan.
Inalala ng cager ang espesyal na kaganapan doon sa pagitan nila ni Diana at kong paano naging close ang asawa sa kanyang ina.