VP Sara nagpangayo it patawad sa KOJC members sa pag-awhag nana dati nga iboto si PBBM
-- ADVERTISEMENT --

Handa pa rin na mag-isyu ng travel authority ang Palasyo ng Malacañang sakaling muling hihingi si Vice President Sara Duterte para lumabas ng bansa.

Sinabi ito ni Palace press officer Undersecretary Atty. Claire Castro matapos ang pahayag ng Bise Presidente na gumagawa lamang ng kwento ang Office of the President at Presidential Communications Office (PCO) na siya ay nagbiyahe sa Kuwait na walang travel authority.

Paliwanag naman ni Castro, natanong lamang ito kung alam niya ang kinaroroonan ni VP Duterte dahil maging ang kaniyang spokesperson ay hindi alam kung nasaan siya.

Binigyang-diin ni Castro na wala siyang nabanggit na nag-travel ito sa Kuwait at walang kumpirmasyon kaugnay nito.

Ayon pa kay Castro, kung hindi bibigyan ng travel authority si VP Sara kung muling lalabas ng bansa ay asahan umano na may masabi ito at baka palabasin na sinasakop ang kaniyang freedom of movement.

-- ADVERTISEMENT --