-- ADVERTISEMENT --

Ipinasa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Malacañang ang kanilang 125-araw na ulat ng nagawa mula Setyembre 15, 2025 hanggang Enero 18, 2026. Ayon sa report, isinagawa ng komisyon ang 32 na pagdinig, 16 site inspections sa buong bansa, at nakaproseso ng 1,173 dokumento.

Kasama sa mga hakbang ang pagpapatupad ng 9 referral sa Office of the Ombudsman at koordinasyon sa 66 referral sa Department of Justice para sa Immigration Lookout Bulletin Orders (ILBOs). Nakipag-ugnayan din ang ICI sa iba’t ibang ahensya sa walong inter-agency meetings at tumulong sa anim na sesyon ng lehislatura para sa pagtatatag ng permanenteng infrastructure watchdog.

Na-freeze ang 6,692 bank accounts at na-preserba, na-seize, o naisumite ang assets na tinatayang nagkakahalaga ng PHP24.7 bilyon, kabilang ang sasakyan, real properties, insurance policies, e-wallet accounts, at aircraft, batay sa ulat ng Anti-Money Laundering Council.

Ang Pangulo ay magdedesisyon sa appointment ng bagong miyembro o susunod na hakbang ng ICI matapos matanggap ang ulat.