-- ADVERTISEMENT --

Itinalaga bilang bagong Assistant Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Porac, Pampanga Councilor Maynard Lapid, anak ni Senador Lito Lapid.

Inatasan si Lapid na mamuno at tumulong sa mga special concerns ng ahensya, gayundin sa Bureau of Equipment.

Bahagi ang kaniyang pagkakatalaga sa ginagawang reorganisasyon ni DPWH Secretary Giovanni Lopez matapos itong maupo bilang pinuno ng ahensya.

Bukod kay Lapid, nagtalaga rin si Lopez ng ilang bagong opisyal sa DPWH-National Capital Region.