15 OFW halin sa Lebanon, balik-pinas eon sa October 3
-- ADVERTISEMENT --

Positibo ang pagtanggap sa House of Representatives sa panukalang alisin ang travel tax sa mga Pilipinong aalis ng bansa, ayon sa House tourism committee vice chair na si Rep. Gil Acosta Jr.

Sa darating na linggo, tatalakayin ng Kongreso kung mas mainam ang limitadong exemption o tuluyang abolition ng travel tax. Ayon kay Acosta, hindi maaapektuhan ang pondo para sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Commission on Higher Education (CHED), dahil itatalaga ang pondo mula sa General Appropriations Act.

Naka-pending sa Kongreso ang ilang panukala, kabilang ang House Bill 7443 ni House Majority Leader Sandro Marcos at House Bill 7367 ni Rep. Edu Rama, na naglalayong agad na alisin ang travel tax.

Itinuro ng Department of Tourism na nasa Kongreso ang desisyon sa pagtanggal ng buwis, ngunit kailangan ring tukuyin ang alternatibong pondo para sa mga programang pang-imprastruktura ng turismo sa bansa.